Unkabogable Star, babu na kay Calvin… KUYA ESCORT ION, INAMIN NA ANG RELASYON KAY VICE
- Beth Gelena
- Mar 15, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

VIRAL sa social media ang aminan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Gandang Gabi Vice.
Nag-taping nu’ng March 12 ang GGV kung saan ang guest ni Vice ay ang nakilalang Kuya Escort ng It’s Showtime na si Ion.
Inamin daw ni Ion na may relasyon sila ni Vice kaya ang mga nasa loob ng GGV studio ay hindi magkamayaw sa tuwa at hiyawan.
Bumaha ang reaksiyon at komento ng mga netizens sa ‘relasyon’ nina Vice at Ion.
“We are happy for you Meme Vice. Dami mong napatawang tao. This time, ikaw naman. Support lang po kami.”
“Kinilig ako sa inyo Vice Ganda at Ion Perez!”
“Inggit ako... Winner ka talaga Vice!”
“I knew it. I’m so happy sa ‘yo Meme Vice Ganda.”
“I am super happy for Vice Ganda, he deserves all the happiness naman in life. Napakadaming tao ang natutulungan ni Vice, napakadami niyang napapasaya. Deserve niya rin naman ang kaligayahan.”
Pero may nagtanong kung wala na raw ba sila ng basketball player na si Calvin Abueva.
Kaya pala may time na kapag ang topic ng biruan nina Vice at Vhong Navarro sa It’s Showtime ay tungkol sa basketball, sinasabi ni Vice na “Ayaw ko na sa basketball player.”





Comments