Magsasaka tinaga ng utol
PANGASINAN—Isang magsasaka ang sugatan nang tagain ng kanyang nakatatandang kapatid, kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo, San Manuel sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Rofino Brillante, 37-anyos, samantalang ang suspek ay ang kuya nitong si Rolly, 41, kapwa nakatira sa nabanggit na baranga.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi si Rofino sa ospital at kasalukuyan pa itong ginagamot, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments