HOROSCOPE | MARSO 15, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 15, 2019 (Biyernes): Sapat ang taglay mong magagandang katangian para matupad mo ang iyong mga ambisyon sa buhay. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumakas ang puwersa ng iyong personalidad, ito ay nagsasabing suko na ang mga lihim at lantad mong mga kaaway. Ito rin ay magagamit mo para sa mas malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-23-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Konsentrasyon ang kailangan mo ngayon sa mga gusto mong tapusing proyekto. Kapag natapos mo na ito, darating ang mas magaganda at mas marami pa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-12-16-27-30-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Bawal kang tumingin sa kanan, gayundin sa kaliwa at likuran. Ito ay nagsasabing ang tutukan mo ay ang iyong hinaharap o ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-15-19-23-36.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi ka maaawat sa gusto mong gawin at hindi ka rin naman magpapadikta. Ito ay dahil ang katotohanan, ikaw ang nasusunod sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-13-18-22-28-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit medyo hindi mo gusto, susundin mo ang taong sobrang malapit sa puso mo. Alam mong bababa ang iyong pagkatao, pero makadarama ka ng kakaibang saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-29-30-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nawala ka, walang gabay ang marami at puwedeng magsimulang bumagsak ang papaasenso na. Ito ay nagsasabing kinikilala ka bilang pampasuwerte ng mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-20-24-25-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ang araw mo at ang ilang araw pang darating ay ganundin. Huwag mo itong sayangin, simulan mo na ang matagal mo ng plano na pagandahin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-21-29-31-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tapusin mo na ang pananahimik mo. Ang nakaraan ay iyong kalimutan at harapin mo ang maraming bagong araw kung kailan makikitang mas maganda at matalino ka. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-17-20-24-28-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit hindi ka naniniwala, subukan mong kumuha ng lakas sa mahihina. Mahirap maunawaan, pero ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-24-25-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pakakawalan ng iyong inaayawan. Dahil ang totoo kapag nawala ka, hindi na rin gaganda pa ang kanyang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-18-20-22-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bago ka magsimula sa mga bagong pangarap mo, ang unang gawin mo ay ang isara ang isip mo sa pagkakamali at pagkukulang na nagawa mo. Ibig sabihin, kalimutan mo na ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-28-40-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humakbang ka pasulong. Ang mga paa ng tao ay sadyang nilikha papunta sa hinaharap. Ito rin ay nagsasabing harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-21-24-30-31.




Comments