Alamin mula kay Señor... KAALAMAN PARA MAIWASAN ANG MASAMANG DULOT NG TAG-INIT
- BULGAR

- Mar 15, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang kaalaman tungkol sa mga ritwal na dapat isagawa ngayong tag-init para makaiwas sa anumang masamang dulot ng tag-init.
Paggising mo maligo ka, gawin mo ito kahit hindi ka pa kumakain.
Ang breakfast ay dapat na may kasamang mga prutas.
Maglinis ka ng bahay o ayusin mo ang silid-tulugan.
Ang mga ginamit sa pagtulog kung matagal ng ginagamit ay ibilad sa araw kung saan tatamaan ito ng sariwang hangin.
Maglinis ka rin ng bakuran nang sa gayun ang mga tuyong dahon ay iyong masisindihan. Sa mga siyudad, bawal ang magsiga o sindihan ang mga dahon ng halaman dahil ang makapal na usok ay hindi magugustuhan ng mga tao sa siyudad, kaya kung magsisiga o magsisindi ka ng mga tuyong dahon, paunti-unti lang.
Sa probinsiya, bawal man o hindi, ang mga tuyong dahon ay sinisindihan sa ilalim ng mga punong namumunga nang sa gayun ay dumami ang mga bunga.
Makabubuti rin na ang usok ay papasok sa loob ng bahay.
Dahil bawal ang magsiga, lalo na sa siyudad, pinaaalalahanan ang lahat na gumamit ng insenso na gamit sa Simbahan kung saan ang bakuran at loob ng bahay ay pausukan.
Dahil ang usok, mahirap man paniwalaan, ito ay panlaban sa mga negatibong elemento na nagkalat sa bahay at bakuran.
Gagawin ang pagsisiga o pagpapausok kahit hindi everyday, puwedeng every other day o twice a day, lalo na sa mga lugar na pinupuntahan ng mga hindi mabubuting nilalang.
Ito rin ay epektibo sa bahay o bakuran na ang mga nakatira ay madalas na nagkakasakit.
Ipinapayo rin ito sa mga taong ayon sa kanila ay minalas ang kanilang kabuhayan.
Pagkatapos ng pausok o pagsisiga, mas maganda na muling maliligo. Kung sakitin ang magsasagawa, siya ay pinapayuhang maligo sa shower room na sarado.
Habang naliligo, isipin ang magagandang bagay, pangarap at mga layunin sa buhay.
Maganda rin na habang naliligo ay isinasagawa ang exhale at inhale kung saan ipinapasok at inilalabas sa katawan ang bagong hangin. Muli, dapat mong ilagay sa iyong isipan ay ang magagandang bagay.
Maganda na ang mga inspirasyon sa buhay ay iisipin habang naliligo.
Pagkatapos maligo, inirerekomenda na uminom ng fruit juice. Ito ay bagay na bagay sa mga taong may sakit, mahihina ang loob at duwag na harapin ang hamon ng kanilang kapalaran.
(Itutuloy)




Comments