Tulak timbog sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Mar 14, 2019
1 min read
CAMARINES SUR—Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Mabolo, Naga City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Richard Gonzales, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng pitong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Gonzales na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments