Sakto ngayong marami ang magtatapos sa kolehiyo... TIPS PARA SA MGA MILLENNIAL NA NALILITO SA BUHAY
- Justine Daguno
- Mar 14, 2019
- 2 min read

‘YUNG feeling na minsan, sure na tayo sa gusto natin tapos darating sa point na magdududa tayo kung para ba talaga ito sa atin, weird!
Kasabay ng napakaraming pagbabago, lalo na sa henerasyon natin ngayon na ‘ika nga nila, way of thinking ng mga kabataan, partikular ang millennials at young adults o young professionals. Ayon sa ilang research, karamihan sa millennials ay “confused”, hindi lang sa kanilang sarili kundi sa mga bagay na gusto nilang mangyari sa kanilang buhay. Marahil, dahil ito sa kabi-kabilang expectations, pressure, out of reality plans at iba pa.
Kaya naman narito ang ilang tips para sa mga career-confused millennial:
1. NARROW YOUR FOCUS. Ayon sa career consultant, karamihan sa millennials ay priority ang reputasyon o ‘yung iisipin ng ibang tao sa kanila, kaya naman mas pinipili nila ang propesyon na mayroong impressive label, malaki ang suweldo at iba pa, kahit hindi sila masaya sa ginagawa nila. Dagdag pa rito, kailangan nating tanungin ang ating sarili kung ano ba talaga ang gusto nating mangyari sa ating buhay para maiwasan ang dissatisfaction na nagdudulot ng pabagu-bagong career path, ‘Yun lang!
2. CHOOSE THE TYPE OF WORK ENVIRONMENT YOU WANT TO BE IN. Ang environment ang isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat ikonsidera ng millennials. Hindi ito ‘yung mismong work place kundi ‘yung routine at mga nakakasama natin sa trabaho. Malaki ang epekto nito dahil karamihan sa mga nagpapalit-palit ng trabaho, work environment ang dahilan kung bakit hindi sila nagtatagal. Okay?
3. IDENTIFY THE PROS AND CONS BEFORE ACCEPTING A JOB. Walang perpektong trabaho, lahat ay mayroong advantages at disadvantages. Marahil, karamihan sa atin ay alam ang gasgas na linyang, “nasa huli ang pagsisisi”. Totoo ‘yan, kaya dapat bago tayo tumanggap ng trabaho, hindi isa o dalawang beses nating pag-iisipan ito kundi maraming beses. Mabuti ito para maiwasan natin ang pagkadismaya sa huli at mas tumagal tayo sa napili nating field, ganern!
4. KNOW YOUR STRENGTHS. Anumang aspeto — physical, emotional, mental at spiritual, kailangan nating alamin kung saan tayo malakas o magaling. Hindi sapat na kaya lang natin, dapat nag-e-excel tayo. Gayunman, kung hindi talaga tayo sigurado, maaari tayong humingi ng opinyon sa iba, lalo na sa mga taong alam nating kilala talaga tayo. Okidoki?
5. ASK FOR GUIDANCE. Kapag magulo ang isipan natin, malaki ang posibilidad na nagiging impulsive tayo sa mga desisyong ginagawa natin. Kaya importanteng may mga taong nariyan na pinagkakatiwalaan para mahingian o magbigay ng mabuting payo sa atin. Maaaring mga magulang, kaibigan, mahal sa buhay o career consultant.
6. PREPARE TO FAIL. Wala namang naging successful na hindi na-reject o nag-fail. Lahat ay dumaraan sa ganyang sitwasyon kaya dahil hindi ito maiiwasan, dapat ready tayo sa bawat pagkakataon. Ma-fail man tayo, okay lang, try ka ulit na tulad nga ng sabi sa lumang kasabihan, try and try until you succeed.
Isipin nating palagi na hangga‘t hindi pa “pantay ang ating mga paa”, malaki ang chance na magiging ayos din ang lahat. Kaya kung confused ka ngayon, malay mo bukas o sa mga susunod na araw, eh, sure na tayo sa desisyon natin at alam nating mapaninindigan natin ito. Good luck!





Comments