Patay tayo d'yan, Daniel! MADIR NI KATHRYN, TUWANG-TUWA KAY ALDEN!
- BULGAR

- Mar 14, 2019
- 1 min read

NAG-LOOK test na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa kauna-unahan nilang pelikula under Star Cinema. In full force ang buong Star Cinema staff sa ginanap na look test, pati na ang almost complete members of the cast ng movie.
Look test pa lang daw ay “nabinyagan” na agad si Alden ng direktor ng pelikula na si Cathy Garcia-Molina tungkol sa kanyang face. Medyo mapanga raw si Alden, pero pa-sweet naman itong sinabi ni Direk Cathy sa Kapuso actor.
Ayon sa aming source, present sa look test ang ina ni Kath na si Mommy Min. Sabi pa niya, mukhang tuwang-tuwa si Mommy Min kay Alden all throughout na magkasama sina Kathryn at Alden sa look test.
Last year pa pala naganap ang “negosasyon” between Alden’s camp and Star Cinema, pagkatapos ay ilang series of meetings na ang naganap. Not less than six times daw nag-meeting ang dalawang kampo bago nagkaayos.
From our source ulit, kung ‘di magkakaaberya, magaganap ang first shooting day ng movie nila on April 10. Meron na raw kasi silang playdate na hinahabol next month.
Knowing Direk Cathy, kayang-kaya niyang “lagariin” ang proyekto in less than two months. Mas magaling pa nga yata si Direk Cathy kapag minamadali, eh.





Comments