Para makakuha ng injury insurance | BEBOT PINUTOL ANG SARILING KAMAY
POSIBLENG humarap sa walong taong pagkakakulong ang babaeng Slovenian at pamilya nito matapos sadyain ang pagputol sa kanyang kamay.
Ginawa umano ito ng suspek para makakuha ng injury insurance mula sa isang kumpanya.
Gayunman, tinatayang nasa €400,000 o P23 million bilang compensation ang maaaring matanggap nito.
Ayon sa awtoridad, apat na miyembro ng kanyang pamilya ang nakulong ngayong taon ngunit, nakalaya rin ang dalawa.
Dagdag pa ng awtoridad, sinadya umano nilang putulin ang kamay ng suspek at dinala sa ospital ngunit, sinabi ng mga ito na aksidente ang pagkakaputol nito.
Samantala, iniwan ng pamilya ang naputol na kamay ng suspek bago dalhin sa ospital upang masigurado na permanente na ang pagkakaputol nito, ngunit, narekober ng mga pulis ang kamay at dinala nila ito sa ospital.





Comments