top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Alamin mula kay Maestro... MGA PAALALA PARA SA MGA AHAS NGAYONG TAON NG MGA BABOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 14, 2019
  • 2 min read

NGAYONG 2019, sina­sabing may mga darating na pagsu­bok sa kapalaran ng mga Ahas, ngunit, ang pag­subok na ito ay aakalaing ma­laking problema na ma­hirap solusyunan, pero sa bandang huli, matutuklasan din nila na ang mga ito ang magdadala sa kanila sa mas malaking tagumpay at mga pagpapala sa buhay.

Ang mahalaga lamang kapag may dumating na suliranin sa Ahas ngayong Taon ng mga Baboy, kailangang mapanatili ng Ahas ang pagiging kampante at pairalin ang malalim na pag-aanalisa at pagninilay. Dapat din silang maging maingat at matalino sa pag­dedesisyon dahil ang bawat suliraning kakatok sa kanilang kapalaran ngayong 2019 ay kaya nilang i-convert para sa mas malaki nilang pag-unlad.

Ang isa pang magbibigay ng suliranin sa Ahas ngayong 2019 ay ang pagmamantina ng magan­dang posisyon sa buhay kung saan hindi dapat higpitan ng Ahas ang paghawak niya sa mga bagay-bagay dahil anumang bagay ang ma­wala sa kanila ngayon, bago matapos ang taon, isa-isa at kusa rin itong ibabalik ng langit.

At dahil nga marami nang dating achieve­ment o karangalan ang Ahas, ngayong 2019, iminu­mungkahi na hindi ka na dapat pang magdagdag ng gawain o isipin sa buhay, sa halip, mas ma­inam na pagbutihin at palaguin ang bagay na dati ng nasa sa iyo kaysa sa maging gahaman ka pa sa mga bagay na wala pa sa iyo.

Ibig sabihin, ngayong Taon ng mga Baboy, huwag ka ng magdagdag ng yaman, sa halip, husayan mo ang pagpapasya upang walang mawala sa iyo ngayon taon.

Halimbawa, kung may malakas at maganda namang negosyo ang inyong pamilya, mag-concentrate ka na lang kung paano ito mas lalago.

Tandaan ding, anumang hamon ng buhay o malalaking tagumpay ng kapalaran ang dumating, ang kabilin-bilinan sa Ahas ngayong 2019 ay manatiling relaks at kampante lang. Oo, hindi dapat ma-excite at malungkot nang labis. Dapat ay palaging maging masaya at huwag gaanong pahirapan ang sarili.

Iminumungkahi rin sa Ahas ngayong Taon ng mga bulugang Baboy na hindi siya dapat makisawsaw sa mga usapan at gawaing wala naman siyang direktang alam. Sa halip, ‘yung mga business na wala naman siyang kaugnayan, tulad ng nasabi na, kahit na may nag-yayaya sa kanya na siya ay sumama o makibahagi, hinding-hindi niya ito dapat patulan dahil ang pakikisawsaw sa ibang gawain ay posibleng magbigay lamang ng kapahamakan at problema sa Ahas ngayong taon.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page