Tanggap ko Ni: Dahlia


Tanggap ko kahit marami ng dumaan sa buhay mo.
Hindi man ako ang una mo, sana ako na ang huli mo.
Tanggap ko na marami kang minahal bago ako, pero
sana maiba ‘yun dahil ako na ang kasama mo.
Mula umaga hanggang gabi, ikaw ang nasa aking isip,
inaalala ang mga panahon kung kailan tayo ay hindi naiinip.
Kahit walang magawa, basta ikaw ang kasama, kakaibang ligaya ang aking nadarama.
Tanggap ko na kung hindi man ito umabot hanggang dulo dahil ang pagmamahal ko sa iyo ay walang katumbas kahit singko.
Sakaling magkatuluyan man tayo, tanggap ko ang lahat ng mga nakaraan mo,
masaya o malungkot man ito.
Basta tanggap kita at tanggap mo ako, wala ng makapaghihiwalay pa sa atin kahit sino.
Maniwala tayong ang nasa itaas ang sumulat ng pagmamahalang ito,
kaya magtiwala at manalig tayo.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments