top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Rich kid na biglang naghirap ang buhay

  • ROMA AMOR
  • Mar 13, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Lindon, 20 years old. Noong bata ako, naaalala ko pa kung ga­ano kami kayaman dahil lahat ng gusto ko ay ibini­bigay sa akin ng aking mga magulang. ‘Yun nga lang, ngayong malaki na ako, halos bu­maligtad na ang mundo ko dahil ‘yung dating mga ari-arian at yaman na mayroon kami ay wala na. Hindi ko rin ma­sisisi sina mama dahil na­loko sila, pero, aaminin ko nahihirapan ako nga­yon dahil hindi ako sanay na maging mahirap. Ano ang dapat kong gawin? — Lindon

Lindon,

Alam mo, bro, ganyan talaga ang buhay sa mun­do, minsan nasa ibabaw, pero darating din ang pa­nahon na mapupunta kayo sa ilalim. Gayunman, maging mata­tag ka at matuto kang mag-adjust nang sa gayun kapag du­mating ‘yung araw na na­ging mayaman na ulit kayo, eh, hindi ka na mata­takot na maging mahirap ulit, gayundin na marami kang matututunan na mas magbibigay sa iyo ng aral para magpursige at ma­ging matalino sa buhay. Kaya mo ‘yan, ‘ika nga ng iba, sisiw lang ‘yan! He-he-he! God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page