top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Namatay na komedyante, ayaw papuntahin sa bahay niya… WISH NI VICE: CHOKOLEIT, 'WAG KA NANG MAGP

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2019
  • 3 min read

SA unang gabi pa lang ng lamay ni Chokoleit last Monday ay dumagsa na ang mga kasamahan niyang komedyante sa industriya. Sa video ng katotong Allan Sancon na napanood namin, nagkasabay-sabay ng pagdalaw sina Vice Ganda, Pooh, K Brosas, John Lapuz at Pokwang.

Si Vice Ganda ang isa sa mga unang-unang nakaalam na wala na si Chokoleit noong Sabado nang gabi sa Abra.

Bago pa man daw ito dalhin sa ospital ay tina­wagan na siya ng kasama nito sa Abra na kaibigan nila at sinabi nga sa kanyang hindi ito makahinga.

Ang sabi nga raw sa kanya ng kaibigan ay parang hinihika si Chokoleit na pinayuhan naman niyang dalhin na sa ospital.

Kuwento pa ni Vice sa video interview, lagi talagang sumisikip ang dibdib ni Chokoleit kaya akala raw niya ay ganu’n lang that night. Pero from time to time ay tina­tanong niya ang update sa friend nila hanggang sa madala na ito sa ospital.

Nang pangatlong tawag daw ng friend nila ay huma­hagulgol na ito at sinabihan na siyang wala na si Chokoleit. Natulala raw siya at matagal bago niya naproseso ang pangyayari.

Ikinuwento rin ni Vice Ganda na recently lang ay nagkausap pa sila ni Chokoleit at sinabihan siyang dadalaw sa bahay para humingi ng mga bagong damit sa kanya.

Lagi palang pumupunta si Chokoleit sa kanya para kumu­ha ng mga damit niya at lagi naman daw niyang binibigyan.

“Bago ako nagpunta ng Japan nu’ng nakaraang araw, pinuntahan ko sa Laffline (comedy bar), kasi nag-pitching ako sa Star Cinema ng bagong pelikula,” kuwento ni Vice.

May pangako raw siya kay Chokoleit na isasama ito sa mga pelikula niya kaya after ng pitching ay dinalaw niya ito sa comedy bar at ibinalitang kasama ito sa bagong movie niya.

“Tapos, inaaway niya ako. Sabi niya, ‘Puro ka pelikula, nasa’n ang mga bago kong damit?’ Sabi niyang ganu’n, ‘Kailangan ko ng bagong damit.’ Sabi niya, ‘Pupunta ako sa bahay mo.’ Sabi ko, ‘Wala ako, aalis ako, pupunta akong Japan bukas.’ Tapos sabi, ‘Kailangan ko ng bagong sapatos at bagong damit.’”

Eh, dahil nga aalis siya papuntang Japan, ang sabi na lang daw ni Chokoleit sa kanya ay pupunta ito sa bahay niya pagdating niya.

“Sabi niya, ‘Basta pagdating mo, hindi na kita tatawagan, pupuntahan na kita sa bahay.’ Kaya natatakot ako ngayon. Sabi ko, baka anytime, ngayon niya ako puntahan,” kuwento ni Vice.

“Kanina, nag-aayos ako ng damit, namimili ako ng sapatos ko, ‘yung feeling ko, anytime, pagtalikod ko, biglang ‘O, gusto ko ‘yang sapatos na ‘yan.’ Kasi, ganu’n siya, pupunta siya sa bahay ko, kakalkalin niya ‘yung gamit ko, tapos pupunta siya sa kuwarto ko, bitbit na niya ‘yung mga gusto niya. Tapos, sabi niya, ‘Iuuwi ko ‘to, ha?’ Kahit sa ayaw at sa gusto ko, ‘Hindi puwede, bago ‘yan!’ wala na akong magagawa, bitbit na niya ang gamit ko,” dagdag pa ng komedyante.

Kaya wish daw niya, ‘wag na magpakita si Chokoleit at kunin na lang ang gusto nitong kunin. At ‘pag nawala, alam na niyang nasa kaibigan.

‘Yung show sa Abra ay alam daw niya ang mga kaganapan dahil kasama niya sa bahay at kaibigan pa ang mga kasama ni Chokoleit. Alam daw niyang bago pa sumalang ay nahihirapan na itong huminga.

Pero noon pa raw ay may mga naging problema na ito sa kalusugan.

“May hika siya, eh, sabi niya. At saka nu’ng dati, parang nagkaroon ng ano ang lungs niya. ‘Di ko alam kung ano ‘yung naospital sa kanya. Kaya nu’ng panahon na ‘yun, hindi na siya naninigarilyo, nagdyi-gym, tapos umayos siya (ang kalusugan).”

Malambing daw si Chokoleit pero may katigasan ang ulo. Madalas na rin daw silang nagkatampuhan noon. Marami raw itong desisyon na hindi niya pina­boran noon pero recently ay nakita raw niya ang pagbabago nito and very proud siya sa kaibigan.

Payo ni Vice Ganda sa mga kapwa niya komedyante especially ‘pag nagkakaedad na, take time to rest, mag-beg-off sa trabaho kung kinakailangan at mag-ipon habang bata para pagtanda ay ma-enjoy na ang buhay at hindi na kailangang magkumahog pa sa pagtatrabaho.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page