top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Malinaw ayon sa palad... bebot na nakatakdang makatagpo ng lalaking stick-to-one

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. May kasamahan ako sa trabaho na may girlfriend na, pero nagtataka ako sa kanya kung bakit palagi niyang ipinararamdam sa akin na mahal niya ako. Bagama’t, hindi niya ‘yun sinasabi, nararamdaman ko sa mga kilos niya.

  2. Madalas kasi niya akong ihatid pag-uwi lalo na kapag ginagabi ako. Sabay din kaming mag-lunch at palagi pa niya akong inililibre. Sine-send-an din niya ako ng load at palagi niya akong kinukumusta kung nakauwi na raw ba ako ng safe.

  3. Minsan, may mali akong nagawa sa trabaho, pinagtakpan niya ako. Siya ang umako ng aking ka­salanan kaya siya ang napagalitan ng boss namin.

  4. Nagtataka ako sa kanya kung bakit siya ganu’n sa akin at kung bakit niya ito ginagawa, gayung may girlfriend na siya at minsan ay pumunta pa nga sa opis ‘yung GF niya at ipinakilala sa akin.

  5. Kaya ngayon, naguguluhan ako sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito at bakit ba siya dumating pa sa buhay ko? Sa ngayon, aaminin ko na unti-unti na akong napapamahal sa kanya kahit alam kong hindi puwede dahil nga may girl­friend na siya at ayaw ko namang ma­kasira ng relasyon.

KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat gawin ngayon kundi ang pabayaan lang na magpatuloy ang pa­giging caring at mabait niya sa iyo. Pero, si­yempre, dapat mo ring tiisin ang iyong damdamin para hindi ka mabisto na nag­kakagusto ka na sa kanya dahil kapag nangyari ‘yun, dalawa kayo sa buhay ng lalaking nabanggit.

  2. Samantala, ganito ang nais sabihin ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) na nagkabilog ng maliit sa unang bahagi (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang inakala mong pagkagusto sa iyo ng nasabing lalaki, sa bandang huli ay mauuwi rin sa wala. Sapagkat kahit na magkaroon kayo ng relasyon at namili siya kung ikaw o ang kanyang girlfriend, sigurado na ang magaganap, hindi ikaw ang kanyang pipiliin kundi ang kanyang girlfriend upang minsan pa matupad ang nasabing maliit na bilog sa iyong Heart Line (arrow a.) tanda ng manipis na kabiguan sa pag-ibig. Ngunit, pagkatapos ng nasabing ka­biguan, sa susunod na pakikipag-boyfriend dahil naayos at gumanda na ang Heart Line (Drawing A, at B. h-h arrow b.) sa gitna hanggang sa dulong bahagi, may pangako na ng masaya at panghabambuhay na pag-ibig.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa buhay ng tao o sa aktuwal na ugnayan ng lalaki at babae, masasabing kung minsan may mga babae talagang bolera at masarap kausap. ‘Yung tipong makuwento, showy, malambing at kung anu-ano pa na minsan ay nami-mis­interpret ng lalaki.

  2. Sa kabilang banda, hindi rin maiaalis na may mga lalaking likas o natural na gentleman at ma­bait. ‘Ika nga, likas na ito sa ugali ng nasabing lalaki na kung minsan ay pi­nagkakamalan din ito ng mga babae na nagkaka-crush sa kanila, kahit hindi na­man totoo. Lalo na kung ang babae ay “as­suming”, pero ang totoo, tulad ng na­sabi na, likas lang pala sa nasabing lalaki ang ganu’ng estilo ng pakikipag-ugnayan sa mga babae.

  3. Sa kaso mo, Eva, malamang ay ganu’n nga, sa kasalukuyan ay inakala mo na may gusto sa iyo ang nasabing lalaki na kasamahan mo sa trabaho. Kaya naman madali ka ring nagkagusto sa kanya, kahit siya ay may girlfriend na, pero sa bandang huli, tulad ng naipaliwanag na, ang lalaking inisip at inakala mong napaka-gentleman ay siya ring magpapaluha sa iyo, mangyayari ito ngayong 2019 sa darating na Mayo upang sa susunod na taong 2020, bagong lalaki na isinilang sa zodiac sign na Cancer ang da­rating at totoong magmamahal sa iyo at iibigin mo naman siya ng tunay at tapat na siya na ring inirerepresenta ng kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad at sa ban­dang huli ay mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page