Karnaper patay sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Mar 13, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Barrera, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jessie Caralde, residente ng Bgy. Sangitan West sa naturang lungsod.
Nabatid na darakpin ng pulisya si Caralde, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments