Heavy equipment sinunog ng NPA
CAGAYAN—Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang heavy equipment ng isang negosyante, kamakalawa sa Bgy. Imurong, Baggao sa lalawigang ito.
Ang sinunog na heavy equipment ay pag-aari ng negosyanteng si Abraham Aurelio, nakatira sa naturang bayan.
May hinala ang mga awtoridad na ang pagtanggi ni Aurelio na magbigay ng revolutionary tax sa mga rebelde ang sanhi kaya sinunog ng mga NPA ang kanyang heavy equipment.
Nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang tropa ng pamahalaan para madakip ang mga rebelde.





Comments