Alamin mula kay Señor... KAALAMAN NGAYONG PANAHON NG TAG-INIT
- BULGAR

- Mar 13, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mga kaalaman tungkol sa summer o tag-init.
Sa huling mga araw ng February nagsisimula na ang tinatawag na tag-init at ito ay mananatili hanggang early part of June na ang pinakamainit na temperatura ay sa month of May.
Kaya mapapansin ngayon na dumarami ang mga bulaklak sa mga halaman, kaya ang panahon ngayon ay tugma para sa paglalambingan at pagpapakita ng sweetness. Ito ay mangyayari dahil ito ang mga aktibidad ng tao laban sa mainit na panahon.
‘Ika nga, “sweetness has a colling effect and a life without sweetnees is a boring and boredom makes the weather more unpleasant”.
Sa tag-init, naglalabasan ang mga mikrobyo at bakterya na nakapipinsala sa tao. Sila ay madaling makapasok sa katawan ng tao dahil ang skin pores ay makikitang naka-open dahil sa init ng panahon.
Dahil dito, ang lahat ay pinag-iingat dahil higit kailanman, tuwing tag-araw, dumarating ang mga sakit na nagpapahirap sa tao, kumbaga, mainit na nga ay magkakasakit ka pa kaya muli, pag-iingat ang kailangan.
Hindi maganda sa balat ang matuyo ito kaya ipinapayo na maglagay ng langis sa katawan para malabanan ang karamdaman. Mas magandang maglagay ng langis pagkatapos maligo.
Natutuyo ang mga dahon ng halaman sa panahon ng tag-araw at ang pagkatuyo ng mga dahon ay sanhi ng pagkabulok ng mga ito. Ang anumang nabubulok na bagay ay pinanggagalingan ng masamang singaw na nakasisira sa kalusugan.
Hindi man maamoy ng ilong ang singaw ng nabubulok na halaman, ito ay papasok sa katawan sa pamamagitan ng respiratory system kung saan hihina ang baga at ang bahagi ng katawan ng tao na ginagamit sa paghinga.
Ngayong panahon ng tag-init, ang mga bahagi ng bahay tulad ng kusina, restroom, ilalim ng mga cabinet at iba pang parte ng bahay na madalang linisin ay nagbubuga rin ng singaw na nakapipinsala sa kalusugan.
Ngayong panahon ng tag-init, mas gusto ng tao na walang damit, kaya makikitang marami sa kalalakihan ay walang pang-itaas at sa kababaihan ay mauuso ang shorts o maiiksing damit.
Sa gabi dahil maalinsangan, mas gusto ng mga tao na walang suot na damit, ito ay ginagawa hindi lang ng mga lalaki kundi ng mga babae sa loob ng kanilang silid-tulugan.
Ang totoo, sa unang bahagi ng pagtulog, ang iba ay nakadamit pa, pero hindi nila mamamalayan na kusa nilang inaalis ang kanilang mga damit.
Kaya pinag-iingat ang lahat lalo na ang mga kababaihan na isarang mabuti ang bahay sa gabi sa kanilang pagtulog dahil ngayong summer, ang mga tao ay gising pa kahit hating-gabi na.
(Itutuloy)




Comments