top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Paalala na huwag mag-isip ng negatibong bagay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn ng Lyn_ Stacruz@fecebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na ‘yung pera ko raw sa wallet ay nadagdagan, pero sa totoong buhay ay wala itong laman.

Nanaginip din ako na may hawak-hawak na baby ang asawa ko, pero patay na ito.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Lyn

Sa iyo Lyn,

Madalas, ang mga pana­ginip ay kabaligtaran sa tunay na buhay, kaya wala kang pera sa wallet, pero sa panaginip mo ay may pera ka at nadagdagan pa ito.

Bagama’t, sinasabing ka­baligtaran ang mga panaginip, ang mga ito ay nagsasabi rin ng lantad na katotohanan na gustung-gusto mong magkaroon ng laman o pera ang wallet mo.

Ang ganitong pag-aana­lisa sa panaginip ay masa­salamin din sa dalaga na wala pang kasintahan dahil sila ay makapananaginip ng nagmamahal sila sa prinsi­pe at sila rin ay mahal na ma­hal ng prinsipe na kanilang pinapangarap.

Ito rin ay nasa mga na­naginip ng maganda at ma­sayang lugar, tahimik at pa­yapang lugar na sa tunay na buhay ay sobrang pangit, batbat ng kalungkutan at napakagulong buhay.

Ang bata sa panaginip ay sinisimbolo ng bagong pagkakataon na mapaganda ang hinaharap, pero dahil sa panaginip mo ay patay ang bata na hawak ng asawa mo, ibig sabihin, namatay na ang bagong pagkakataon na ha­wak ng mister mo, kum­baga, namatay na rin ang pag-asa ng asawa mo na siya ay umunlad pa.

Gayunman, ang kama­tayan ay hindi katapusan da­hil ito ay simpleng nagsasabi lang na kailangang mawala ang mga dahon ng halaman para mabigyang-daan ang mga sariwa at bagong us­bong.

Sa tao, kapag nalagas ang buhok , may tutubong bagong buhok. Ang totoo, Lyn, araw-araw ay may namamatay na celula sa ka­tawan ng tao, pero araw-araw din ay may nabubuhay na mga bagong cell.

Kaya, iwasan mo ang mag-isip ng mga nega­ti­bong bagay nang dahil lang sa bata na patay na hawak ng iyong mister, maging po­sitibo ka dahil kahit ang Ha­ring Araw ay inililibing sa kadiliman para muling ma­buhay sa bukang-liway­way.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page