top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG PILIIN NG NAMBABABAENG MISTER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Nambababae ang asawa ko ngayon, pero umuuwi naman siya ng bahay. Ang gusto kong mangyari ay kalimutan na niya ang kanyang babae, para ma­solo na namin siya ng aking pamilya.

May tsansa ba na mag­bago ang aking asawa sa pambababae niya? Dati na niya kasing ginagawa ito, umuuwi at bumabalik siya sa babae niya, pero nagsa­sawalang-kibo na lang ako.

Pero, ngayon gusto kong lumaban, madalas kasi kulang na sa aming pamilya ang iniintrega ni­yang pera, siguro, ibinigay niya sa babae niya.

‘Yun ang ayaw kong mangyari, ‘yung inuuna pa niya ‘yung ba­bae niya kay­sa sa tunay ni­yang pamilya. October 1, 1979 ang birth­day ko at October 16, 1980 naman ang birthday ng mister ko.

Umaasa,

Grace ng Santa Rosa, Cainta, Rizal

Dear Grace,

Nagkataong pareho pala kayo ni mister na isinilang sa zodiac sign na Libra at kapwa nagtataglay ng ele­mentong air o hangin. Ibig sabihin, kahit na parang may kaunting kulang sa inyo, tu­nay ngang compatible na­man kayo sa isa’t isa sa­pag­kat alam nating lahat na ang magkakaparehong zo­diac signs at planeta ay pa­sok sa unang batas ng com­pa­ti­bility na tinatawag na­ting “birds of the same fea­ther flocks together”. Dahil mag­kapareho kayo ng ugali at hindi gaanong nag­ka­kaiba ang mga gusto at mga mithiin ninyo sa buhay tulad ng nasabi na, tunay ngang tugma talaga kayong mag-asawa.

Kaya malaki ang posi­bilidad na darating ang araw na magsasawa rin si mister sa pambababae niya at ka­pag nagsawa na siya, ba­balik din siya nang kusa sa tunay niyang pamilya.

Dagdag pa rito, ganun­din ang kinauwiang pag-aanalisa sa Numerology kung saan ang birth date mong 1 na strong number ay tunay ngang tugma sa birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+ 6=7) ng mister mo na weak o mahinang numero.

Kung saan tandaang, ang pagsasama ng malakas o strong number at ng weak o mahinang numero ay sad­yang complementary com­patible sa isa’t isa. Ibig sabi­hin, hindi sila magkaka­hi­walay at palagi silang mag­sasama.

Ibig sabihin, palalakasin mo ang loob ni mister sa pa­nahong siya ay nanghihina at kinakabahan habang ang sobrang lakas ng loob mo ay lilimitahan naman ni mister upang huwag ka ng sugod nang sugod kaagad kahit wala na sa lugar at hindi ti­yak o sigurado ang kahihi­nat­nan ng iyong nilalayon. Sa ganyang balanseng sa­mahan, magkaagapay ka­yong palagi sa isa’t isa, tu­nay ngang mas marami pang pag-unlad at maliga­yang pamumuhay ang in­yong pagsasaluhan habang kayo ay patuloy na nagkaka­sundo at nagmamahalan.

Samantala, dahil higit na strong number ang one (1), lumalabas na maaaring kapag binigyang-babala mo si mister na lalayasan mo siya at isasama mo ang mga anak mo sa inyong pag-alis, ka­pag hindi pa siya nagtigil sa pambababae, makikita mo, bigla siyang magpapa­katino at magbabago dahil ang to­too nito, mahal na ma­hal ka ni mister at natatakot din si­yang mawala ka sa bu­hay niya at mawala sa kanya ang iniingat-ingatan niyang pa­milya.

Kaya nga anuman ang mangyari, ayon sa inyong Love Calendar, tulad ng na­ipaliwanag na, kahit na may babae si mister, hindi pa rin masisira o tuluyang guguho ang inyong pamilya dahil siguradong sa inyo pa ring ta­hanan uuwi ang iyong mis­­ter at nakatakda na nga itong mangyari — mawa­wala ang babae niya at kahit na may dumating pang mu­ling iba, hindi na mapasu­su­­ba­lian ang nakatakda na kung saan habambuhay ka­­yong magsasama at mana­natiling palaging buo ang masaya at panghabambuhay ninyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page