top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Labs mo, Luis, ayaw tantanan... SIGAW NG BASHER: JESSY, SUPER-LAKI NG HITA, PARANG BUTANDING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2019
  • 1 min read

BAKIT kaya itong si Jessy Mendiola ay paborito ring i-bash ng mga netizens?

Isang fan na naman ang nag-comment sa kanyang blog ng... “Nakita ko na sa personal si Jessy. Laki kaya ng hita niya, parang butanding.” Sagot naman ni Jessy nang pabiro, “O.A. naman ‘yung butanding na ‘yan, may class. May hita bang butanding?”

At may ipinakitang tattoo. “Eto ‘yung butanding! Ayan, oh, butanding ‘yan! Hita ay hita lang, ano ka ba? Malaki talaga ‘yung hita ko. Iniisip ng mga tao na flaws ko ‘yun, pero sa totoo lang, mahal ko ang mga hita ko dahil natutulungan naman nila ako. ‘Wag n’yo nang pansinin ‘yung hita ko, pansinin n’yo ‘yung mga hita n’yo! Char!”

Ang payo ng mga fans ni Jessy ay ‘wag nang patulan ang basher. “JESSY, DARATING ANG PANAHON SA BUHAY NILA NA MAKAKARMA TALAGA SILA DAHIL SA GINAGAWA NILA SA ‘YO AT ANG DIYOS NA ANG BAHALA NA MAGPARUSA SA KANILA. ENJOY YOUR LIFE. GOD BLESS!”

“Inggit lang sila kasi hindi nila kayang magpa-sexy at mga pangit sila.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page