Habang nagse-selfie | BEBOT, INATAKE NG JAGUAR
Jersey Sanchez
Mar 12, 2019
1 min read
SUGATAN ang isang babae matapos atakihin ng jaguar sa zoo sa Arizona.
Ayon kay Wildlife World Zoo Director Mickey Olison, nakalagpas ang biktima sa itinalagang barrier at biglang inatake ng jaguar habang nagse-selfie.
Gayunman, agad na dinala sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa braso.
Dagdag pa ni Olison, hindi ito ang unang beses na umatake ang jaguar sa pareho ring pangyayari.





Comments