top of page

Sakto at usung-uso ngayon ang banana con yelo... 5 BENEPISYO NG SAGING NA SABA

  • Jersey Sanchez
  • Mar 11, 2019
  • 2 min read

SA mga probinsiya, saging na saba ang madalas na inaalmusal o meryenda dahil ito ang marami ru‘n, gayundin talaga namang nakabubusog ito. ‘Yung iba nga, eh, halos nagsawa na kakakain nito, araw-araw. Pero, ayon sa mga eksperto, hindi lamang basta nakabubusog ang uri ng saging na ito dahil mayroon pa itong kayang gawin na talagang ikatutuwa natin. Narito ang 5 health benefits ng saging na saba:

1. STIMULATES CIRCULATION. Dahil mayroon itong mataas na level ng iron, ang saba ay nakatutulong para mai-stimulate ang blood circulation. Ayon sa mga eksperto, iron ang pinakaimportanteng component ng hemoglobin na tumutulong na ma-deliver ang oxygen sa mga bahagi ng katawan na nangangailangan nito.

2. AIDS IN DIGESTION. Ayon sa mga eksperto, ang saba ay nakatutulong din sa digestion dahil mayroon itong solid concentration ng dietary fiber. Ito rin umano ang nagpapabilis ng peristaltic motion para ma-overcome ang sintomas ng constipation, gayundin na napabababa nito ang risk ng gastric ulcer at iba pang gastrointestinal is­sues.

3. PREVENTS STROKE. Tulad ng iba pang uri ng saging, ang saba ay nagtatag­lay ng potassium na isa umanong vasodilator. Nangangahulugan ito na kayang ba­wasan ng saba ang strain at constriction sa blood vessels at arteries na nakapagpapa­baba ng tsansa na mag­karoon ng athe­ros­cle­rosis, heart at­tack at stroke. Wow!

4. IMPROVES METABOLISM. Dahil sa taglay nitong Vitamin B, ang na­sabing prutas ay may kakayahang tumu­long sa pag-i-improve ng proseso ng meta­bolism sa katawan, ka­bilang ang may kaugnayan sa energy metabolism.

5. BOOSTS IMMUNITY. Bukod sa Vitamin B, may taglay ding Vitamin C ang saba kung saan kaya nitong ibigay ng 40% na kailangan ng katawan, araw-araw. Ayon sa mga eksperto, ang pagkain ng saba ay nakatutulong sa pagpoprotekta ng immune system mula sa mga impeksiyon, gayundin, nakabu-boost din ito ng antioxidant activity sa katawan.

Wow! Ang akala natin na simpleng pang-almusal o pangmeryenda lang, eh, marami palang naidudulot na maganda ito sa ating kalusugan. For sure, mayroong mga mamshie riyan na tatakbo na sa palengke para bumili ng saging na saba. Perfect din ito na gawing turon, banana cue, maruya at saba con yelo ngayong summer. Yum!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page