Sa pag-amin kay Arjo… MAINE, TAGILID ANG CAREER, BABU ANG MGA PRODUCT ENDORSEMENTS
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read

MARAMING viewers ng Daddy’s Gurl, especially mga AlDub fans, ang sobrang natuwa at kinilig nang mapanood ang guesting ni Alden Richards sa sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza noong Sabado.
Kahit pansamantala ay nabuhayan sila ng loob at nagkaroon ng konting pag-asa na maisasalba pa ang iniidolong AlDub love team.
Iba pa rin ang hatak ng tambalang Alden Richards-Maine Mendoza sa mga viewers, kahit na diretsahan pang inamin at inilantad ng Dubsmash Queen si Arjo Atayde, ang lalaking nagpapasaya ngayon sa kanyang mundo.
Iba pa rin daw ang dating kapag nagkakasama sina Maine at Alden. Komento nga ng ilang netizens, dapat nga ay noong birthday episode ni Maine sa Daddy’s Gurl pinag-guest si Alden para swak na swak at nalubos ang kaligayahan ng AlDub Nation.
Hoping din ang ADN na masusundan pa ang pagsasama nina Menggay at Tisoy sa iba pang shows ng GMA-7.
Well, may mga nagsasabi rin na kung ipagpapatuloy ng Dubsmash Queen ang paglalantad kay Arjo Atayde bilang kanyang BF, tiyak na tiyak, mababawasan na rin ang kanyang mga product endorsements.
Marami kasing negative comments simula nang aminin ni Maine ang tunay na status ng relasyon nila ni Arjo.





Comments