top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

NPA dedbol sa engkuwentro

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 11, 2019
  • 1 min read

MASBATE—Isang hindi kilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. Gangao, Baleno sa lalawigang ito.

Sa kasalukuyan ay kini­ki­lala pa ng mga awtoridad ang napatay na rebelde.

Ayon sa ulat, nagpapa­trulya ang mga awtoridad nang makasalubong ang mga rebelde at dito naganap ang engkuwentro na nagresulta para mapatay ang isang NPA.

Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang iba pang rebelde na tumakas matapos mapatay ang kasamahan nilang NPA.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page