top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG LUMIGAYA KUNG ANG NAPANGASAWA AY ANG PANGALAWANG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May gumugulo sa isipan ko ngayon, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Ito ay tungkol sa aking Marriage Line.

  2. Napansin kong dalawa ang Marriage Line sa aking mga palad, pero may asawa na ako ngayon. Ibig sabihin ba nito ay dalawang beses akong makapag-aasawa o dalawa ang mapapangasawa ko?

  3. Paki-explain naman ito para mawala na ang kaguluhan sa aking isipan.

KASAGUTAN

  1. Alam mo, Caroline, hindi ibig sabihin ng Marriage Line ay asawa na kaagad. Sa halip, ginagamit lang ang salitang Marriage Line para sa kumbinyenteng usapan, pero ang totoo, ang Marriage Line ay siya ring kahulugan ng meaningful, long engagement at quality relationship na naranasan ng indibidwal na tumagos sa kanyang puso, kaluluwa, alaala at karanasan.

  2. Ibig sabihin, ang Marriage Line ay ang mga relasyong sadyang hindi malilimutan dahil nag-iwan ito ng bitak sa puso at damdamin ng tao.

  3. Kaya alisin mo muna sa isipan mo sa mga sandaling ito na ang ibig sabihin ng Marriage Line ay “asawa” dahil kung palaging asawa ang nasa isip mo kapag sinabing Marriage Line kung saan dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, baka ang mangyari sa iyo niyan ay maging dalawa ang asawa mo. Ang ibig nating ipaliwanag ay simple lang, ilang beses ka na bang na-in love o umibig ng sagad, tapat at totoo bago ka nakapag-asawa?

  4. Kung pangalawang long engagement o quality relationship mo na si mister dahil may nauna ka pang naging boyfriend bago mo siya napangasawa, tunay ngang hindi na kayo magkakahiwalay dahil ‘yung unang Marriage Line (1-M arrow a.) na sinasabi mo na nasa kaliwa at kanan mong palad ay sadyang nangyari o natapos na, kaya naman nang dumating sa buhay mo ang iyong asawa, siya ang naging ikalawang meaningful relationship mo, kaya masasabing siya na ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na mas mahaba at mas makapal sa nauna, na siya na ngang lalaki na nakatakda mong makasama, habambuhay.

  5. Dahil two (2) ang destiny number mo, baka ang kasalukuyan mong asawa ang unang pag-ibig na dumating sa puso mo mula nang ikaw ay magdalaga, kaya ang posibleng mangyari, puwede kang makapag-asawa o ma-in love muli.

  6. Pero, tulad ng naipaliwanag na kung siya ang ikalawang naging boyfriend mo nang seryoso at totoo, tiyak ang magaganap, hindi na nga kayo magkakahiwalay pa at may pangako ng maunlad at maligayang pagsasama, habambuhay na kinumpirma at pinatunayan ng maganda, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) at nang maayos at maganda ring Heart Line (Drawing A,. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, tulad ng nasabi na, ito ay tanda ng wagas, pinagpala at maraming biyaya na pag-aasawa na hahantong sa panghabambuhay na at maligayang pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Caroline, kung pangalawang seryosong boyfriend mo ang iyong asawa sa kasalukuyan, walang duda, tiyak ang magaganap, siya na ang lalaking nakatakda mong makasama sa maunlad at maligayang pagpapamilya, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page