top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

China, tumangging ‘pinalubog’ ang fishing boat | VIETNAM, MAG-IIMBESTIGA PA RIN

  • Jersey Sanchez
  • Mar 11, 2019
  • 1 min read

UMAPELA ng paglilinaw ang Vietnam kung paano lumubog ang isang fishing boat sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ito’y ilang araw matapos sabihin ng local agency na binangga ng Chinese vessel ang nasabing bangka.

Miyerkules ng nakaraang linggo nang lumubog ang bangka malapit sa Da Loi Island sa Paracel Archipelago.

Gayunman, nailigtas ang limang mangingisdang sakay nito at ng isa pang bangkang-pangisda mula sa Vietnam.

Base sa pagsisiyasat ng national search and rescue agency ng Vietnam, binangga at pinalubog ng Chinese ves­sel ang naturang bangka, ngunit, hindi binanggit kung ito ay civilian o military.

Samantala, depensa ng Chinese Foreign Ministry, lumubog na umano ang barko nang lumapit ang Chinese vessel na siya ring nagligtas sa mga sakay nitong mangi­ngisda.

Matatandaang, inaangkin ng China ang 90 porsiyento ng West Philippine Sea na dahan-dahang nagpapalawig na kanilang military at iba pang installations sa mga artificial island at reef.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page