Barko sumalpok sa balyena, 87 nadale
Jersey Sanchez
Mar 11, 2019
1 min read
SUGATAN ang 87 pasahero ng isang high speed ferry matapos bumangga sa balyena sa karagatan ng Japan, kamakalawa.
Batay sa inisyal na report ng Japan Coast Guard, naganap ang aksidente bago dumating sa Sado Island ang barko na may sakay na 121 pasahero at apat na crews.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng damage ang likurang bahagi ng naturang barko.
Gayunman, patuloy pang inaalam ng awtoridad ang kundisyon ng balyena.





Comments