Bar niratrat, 14 todas
PINAGBABARIL ang isang bar sa Guanajuato State, Mexico dahilan para masawi ang 14 katao at nag-iwan ng pitong sugatan noong Sabado (local time).
Batay sa ulat, isang grupo ng armadong kalalakihan na sakay ng tatlong van ang biglang namaril sa La Playa Men’s Club sa siyudad ng Salamanca.
Sa ngayon, hindi pa mabatid ang motibo sa pag-atake, gayundin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Gayunman, naganap ang insidente kasunod ng paglunsad ng opensiba ni Mexican President Andres Maniel Lopez Obrador upang madakip ang local gang leader na si Jose Antonio Yepez na kilala bilang “El Marro”.





Comments