top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babaeng 25 years old na pero natatakot pa ring magpakilala ng BF

ROMA AMOR
Mar 11, 2019
1 min read

Dear Roma,

Ako si Jellie, 25 years old. Noon pa man ay nag­kakaroon na ako ng mga BF, pero ngayong nasa wastong gulang na ako ay hindi ko main­tindi­han kung bakit nat­ata­kot pa rin akong ipa­kilala ang BF ko sa aking pa­milya? Gusto kong mala­man ang payo ninyo sa akin na maga­gamit ko para mas su­maya at ma­wala na ang takot na na­raramdaman ko. — Jellie

Jellie,

Alam mo, sis, siguro ikaw ‘yung tipo ng anak na ayaw nadi-disappoint ang magulang, kaya na­tatakot ka sa magiging reaksiyon nila kung saka­ling may ipinakilala ka sa kanila. Pero, alam mo, hu­wag kang matakot dahil paniguradong mata­tang­gap nila kung sino ang ma­gugustuhan mong la­laki dahil alam naman nila kung paano ka nila pina­laki. Sabi mo nga, nasa wastong gulang ka na, kaya dapat ikaw ang mas nakaaalam kung sino ang gusto mong makasama, ha­bambuhay. Kaya mo ‘yan! Ipakilala mo na siya sa pa­milya mo, mahirap kayang magtago. He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page