Stepson sinaksak ng amain
Pabs Hernandez III
Mar 10, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang 21-anyos na stepson ang sugatan nang saksakin ng kanyang amain, kamakalawa sa Bgy. Baginay, Manaoag sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jaypee Ayad, samantalang, hindi muna pinangalanan ang suspek hanggat hindi ito nadarakip ng mga awtoridad.
Nabatid na nagkaroon umano ng pagtatalo si Ayad at ang kanyang amain kaya sinaksak ng suspek ang biktima.
Ginagamot na ngayon sa ospital si Ayad, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.





Comments