Para sa mga palaging may ginagawa riyan... COCOA, EPEKTIB NA PANLABAN SA PAGOD!

PAGOD na ba kayo, mga lodi? Naku, oks lang ‘yan dahil bukod sa tamang pagpapahinga, knows ba ninyo na ang pag-inom ng cocoa ay nakatutulong upang malabanan natin ang pagkakaroon ng fatigue? Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga siyentipiko, ang pag-inom ng cocoa araw-araw ay isa sa mga epektibong panlaban sa MS battle fatigue o ‘yung madalas na pagkapagod.
Natuklasan sa Oxford Brooke University na ang mga pasyente na umiinom ng cocoa na mayaman sa flavonoid ay nakababawas ng pakiramdam na sakit na kanilang nararamdaman sa tuwing may iniinda sila.
Ang mga researcher ay naniniwala na dahil mayroong anti-inflammatory properties ang cocoa, ito ang dahilan kung bakit nagiging healthy ito para sa atin.
Gayunman, karamihan sa atin ay nakararanas ng fatigue dahil sa mga ginagawa natin araw-araw tulad ng pagtatrabaho, pagpasok sa school, pagpupuyat at marami pang iba kung saan ang higit na naaapektuhan ay ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Samantala, ang pag-aaral ay nai-published sa BMJ Journal of Neurology, Neurosurgery and Psychiatry kung saan nagsagawa ng eksperimento ang mga eksperto sa 100 katao na madalas na nakararanas ng fatigue kabilang sa kanila ang 50 kalalakihan at 50 kababaihan.
Lumabas sa eksperimento na noong pinainom ng cocoa ang mga kalahok ay nabawasan kahit papaano ang kanilang pagkapagod na maaaring makaapekto sa kanilang lifestyle.
Dagdag pa rito, hindi kinakailangan na mamahaling cocoa ang iinumin dahil kahit ang kilala nang brand na noon pa natin inilalagay sa champorado ay kering-keri pa rin.
Oh, ayan, mga beshy, alam n’yo na, ha? Kung wala kayong time para makapag-relax, why not na subukan ninyong uminom ng cocoa, wala namang mawawala, ‘di ba?
Basta para sa magandang kalusugan, mas oks kung nag-e-explore tayo ng iba’t ibang paraan.
Okidoki?





Comments