top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday… SINGLE MOM NA NAKATAKDANG UMASENSO KAHIT HINDI BALIKAN NG BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2019
2 min read

Dear Maestro,

May ka-text ako na naging boyfriend ko. Pagkatapos ay nag­kita kami at nabuntis niya ako, kaya nahinto ako sa pag-aaral. Kaya lang bigla rin siyang na­wala nang malaman niyang buntis ako. Itatanong ko kung babalik pa siya at ano ang nangya­yari sa kanya nga­yon? Umuwi kasi siya sa kanilang pro­binsiya para raw magpa­alam sa mga magu­lang niya at ayusin ang kasal namin, pero hindi na siya bumalik, limang buwan na ang naka­raraan. Gayunman, anong course ang bagay sa akin upang magta­gum­pay at maging maunlad ako? Balak ko kasing bumalik sa pag-aaral pagka­tapos kong manga­nak. November 1, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,

Socorro

ng Marulas,

Valenzuela City

Dear Socorro,

Kung balak mong mag-aral muli, hu­wag mo nang intindi­hin kung babalik pa o hindi na ang tatay ng anak mo, ito ay dahil makagugulo lang siya sa iyong pag-aaral.

Sa halip, buong dedikasyon mong itu­tok ang iyong oras at panahon sa iyong anak at sa pag-aaral. Sa ganyang para­an, hindi mo na mu­na iniintindi ang love life at pakikipagrelas­yon sa mga lalaki, mas magtatagumpay at magiging maligaya ka.

Gayunman, kung sadyang atat ka at mabilis kang ma-in love, kung muli kang magbo-boyfriend upang hindi ka na mabigo at iwanan pa ng lalaking iyong ma­ma­halin, isaalang-alang mo ang mga lalaking ka-compati­ble ng zodiac sign mong Scorpio — silang mga isinilang sa zodiac signs na Can­cer, Pisces at Taurus na may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29, sa pi­ling ng nasabing lalaki, tapat at panghabam­buhay na pag-ibig na ang iyong makakamit.

Samantala, higit na bagay sa iyo ang course na Nursing, Psycho­logy, Educa­tion at Accountancy. Sa na­sabing mga kurso ka makatatapos sa kole­hiyo at mag­kakaroon ng mata­gumpay na career at propesyon kahit sabi­hin pang may anak ka na sa pagkadalaga na nakatakdang mang­yari sa taong 2022, sa edad mong 25 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page