top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kelot tinodas sa burol

Pabs Hernandez III
Mar 10, 2019
1 min read

CAPIZ—Isang lalaki ang namatay nang saksakin ng kanyang kaalitan habang nakikipaglamay sa burol ng kanyang yumaong ka-barangay sa bayan ng Tapaz sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Silvestre Frial, residente ng Bgy. Lagdungan sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, habang nasa lamay ay nilapitan ng suspek na si Ronnie Palomar ang biktima at agad itong pinagsasaksak.

Dinala ng mga saksi si Frial sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page