top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Dehins lang daw fingerprint at face ID ang uso, besh! TEKNOLOHIYA NA MAY SECURITY FEATURES NA MABUBU

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2019
2 min read

PATOK na patok ngayon ang mga bagay na mayroong security features tulad ng pin, fingerprint scanner at face recognition. But, wait, there’s more dahil sa kabila ng nakamamanghang security features na ito, knows ba ninyo na ang tao ay keri na ring makilala sa pamamagitan ng kanilang paglalakad? Woah!

‘Ika nga nila, mas madaling nakikilala ang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang pag­lalakad, kaya naman may kum­panya sa China ang nakapag-developed ng teknolohiya kung saan nakikilala ang indibidwal sa kanilang paglalakad kahit hindi nakikita ang mukha ng mga ito.

Ito ay tinawag na “gait recognition” na naimbento ng kum­pan­yang Watrix kung saan ina­analisa nito ang metrics tungkol sa paglalakad ng indibidwal — mula sa hugis ng katawan, anggulo ng arm movement sa kanilang postura at kung mayroon silang toe-in o toe-out gait.

Ang mga nabanggit ay napupunta sa database na ginagamit ng software sa tuwing ina-identify nito ang indibidwal.

Dagdag pa rito, naimbento umano ng kumpanya ang nasabing teknolohiya dahil nakita nila ang kahinaan ng face recognition technology. Kaila­ngan nitong makita ang aktuwal na mukha ng indibid­wal nang sa gayun ay makilala ito.

Ngunit, ang gait recognition umano ay mas reliable dahil may kakayahan itong mag-analisa mula sa kahit anong anggulo.

Dagdag pa ng Watrix, kaya nitong ma-identify ang indibidwal kahit takpan nito ang kanyang mga binti, gayundin ang pagdi-disguise habang naglalakad.

Ini-launched ang unang version ng gait recognition technology noong Oktubre 2018 kung saan ayon sa kumpanya, pinag-uusapan ito ng ilang security companies sa Singapore, India, Russia, The Netherlands at Czech Republic.

Ipinasubok din ng Watrix ang nasabing teknolohiya sa security officials sa bansa upang makatulong sa paglutas ng ilang mga kaso. Gayundin, ginagamit ng awtoridad ang gait recognition upang mas mada­ling ma-detect ang mga wanted na kriminal at mga jaywalker.

Ayon sa statement ng Watrix, 96% ang accuracy rate ng gait technology. Wow!

Kakaiba na talaga ang teknolohiya ngayon, mga lodi! Kung noon, eh, limitado lamang ang napoprotektahan ng mga naiimbentong security features, ngayon ay keri na nitong i-detect pati ang mga kriminal. Kaya para sa mga may hina-hunting diyan, perfect ang software na ito para sa inyo. He-he-he!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page