Wanted na killer timbog
Pabs Hernandez III
Mar 9, 2019
1 min read
NORTH COTABATO—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Bualan, Pikit sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Robin Guimalon, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Guimalon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi naman nanlaban si Guimalon nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments