Pinalilipat sa Dos… ARJO, TODO-SULSOL DAW KAY MAINE NA LAYASAN ANG SIYETE


GRABE ang kumakalat ngayong bali-balita na diumano ay posibleng pumakabilang network ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza nang dahil kay Arjo Atayde.
May mga nagsasabi pang si Arjo ang kumukumbinse kay Maine upang iwan na ang GMA-7 at lumipat sa Dos.
May mga nagko-comment pang pormal nang nagpaalam si Maine sa kanyang talent management (Triple A), ganu’n din sa mga bumubuo ng programang Eat… Bulaga!. Isang bagay na hindi naman kapani-paniwala dahil hindi ganu’n kadaling gawin ‘yun.
Unang-una, may existing contract si Maine sa Triple A ni Mr. Tony Tuviera. Unless bibilhin at babayaran niya ang kontrata kung hindi niya tatapusin.
Well, mananatiling fake news ang balitang paglipat ni Yaya Dub sa Dos hangga’t hindi mismong ang Triple A at Eat… Bulaga! ang magbibigay ng statement.
Pero sa lahat ng reaction at komento ng mga netizens, the height daw ng kawalan ng utang na loob kung iiwan ni Maine ang Eat… Bulaga! kung saan siya nagsimula at napasikat nang husto.
Tiyak, maraming fans ang mate-turn-off sa kanya at si Arjo Atayde ang sisisihin.





Comments