top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Para sa mga dehins pa nakata-try ng adventure riyan... 6 NA DAHILAN PARA MASUBUKAN ANG CAMPING NGAYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 9, 2019
2 min read

PANIGURADO, marami sa atin ang hindi na mabilang ang nakalinyang plano ngayong sum­mer, ‘yung iba, eh, hindi lang basta excited kundi ready na talaga sa kani-kanyang gala.

Hindi tayo mag­tataka kung daragsa ang maraming tao sa beach, resort at iba pang pali­guan, mayroon ding ang trip ay umakyat sa Ba­guio para “magpalamig”, eh, ang mag-camping kaya this summer? Puwede! Well, para sa ilan na gusto ng ka­kaibang “escapade” ngayong summer, narito ang ilang dahilan para subukan natin ang camping:

1. IT LETS YOU ESCAPE THE HUSTLE AND BUSTLE OF THE CITY. Awat na muna tayo sa araw-araw na hassle, sino ba ang ayaw maka­langhap ng “sariwang hangin”? Jus­ko, ‘yung feel­ing na every­day na lang, eh, nakikipag­bak­bakan tayo sa nakaba-bad- trip na matinding traffic, ka­loka! Magandang ideya ang camping dahil tala­gang ma­kare-recharge ang ka­tawan at isipan natin laban sa stress, okay?

2. YOU’LL DEVE­LOP A NEWFOUND APPRE­CIATION FOR NATURE. Sa pagka-camping, pansa­mantala na­ting iiwan ang ating com­fort zone. Siyem­pre, sa camp site, madalas na ma­hina o walang signal, so, wala munang internet at gad­get kaya para may pag­ka­aba­lahan, maaari tayong gu­mawa ng iba pang mas ka­paki-pakina­bang na mga bagay o pu­wede rin tayong magmu­ni-muni habang ina-ap­preciate at ine-enjoy ang kalikasan, nice!

3. YOU’LL PRAC­TICE BETTER SO­CIALI­ZA­TION. Mada­las, sa cam­ping ay masa­rap magkuwen­tuhan ng mga bagay-bagay ha­bang nasa bonfire kayo ng mga kasama mo, ‘yung ti­pong mag-u­usap-usap lang kayo tungkol sa pi­nakama­babaw hanggang sa pinaka­malalim na mga usapin sa mga buhay ninyo, good ito dahil marami tayong matu­tutunan tung­kol sa mga pi­nag­danan ng bawat isa at si­yempre, ito rin ang nicest way para makipag-socialize, alam mo na?

4. IMPROVED MOODS. Marami sa mga pagod na sa siyudad ang feel na feel mag-camping dahil ma­rami sa kanila ay stressed ta­laga. Mabuting dahilan ito dahil makapagre-relax ta­laga tayo kung saan ‘yung “polluted nating sistema” ay mae-exhale na­tin pansa­mantala, ayos!

5. NEW CHALLEN­GES. Karamihan sa mga nag-o-organize ng cam­ping, eh, nag-iisip talaga ng mga paandar, ‘yung tipong may pa-survival ek-ek pa kung saan itsa-challenge talaga ang ating mga abilidad at kapasi­dad, kaya hindi lang tayo basta chill sa camping da­hil adventure talaga ang isa sa mga benefit nito, well, oks naman talaga ‘yan para kahit paano ay makagaga­law-ga­law na­man tayo. Oh ‘di ba, ins­tant physical fitness lang? He-he-he!

6. YOU WILL EAT MORE NUTRITIOUS FOODS. Ba-bye muna sa hamburger, fries, pizza at iba pang paborito natin sa fastfood dahil hindi ma­wa­wala ang gulay at pru­tas sa menu ng cam­ping.

Oks ‘yan dahil, at least, refreshing na ang lugar, eh, healthy pa ang food natin, winner!

Anuman ang trip na­tin ngayong summer, go lang tayo dahil sa deserve ‘yan ng bawat isa. Tanda­an na la­hat ay may “k” para mag-chill, lalo na ngayong sobrang init na ng panahon.

Gets?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page