top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG HINDI MAKATULUYAN ANG TATLONG NILILIGAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 9, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil hanggang ngayon, 26 years old na ako, pero hindi pa rin ako nagkaka-girlfriend kahit kailan.

  2. Masipag akong manligaw, ang problema, palagi akong naba-busted ng mga babaeng nililigawan ko. Pero, hindi ako nawawalan ng pag-asa, kaya ngayon tatlong babae ang sabay-sabay kong nililiga­wan. May mapasasagot na kaya ako sa kanila?

  3. Ito ang mga birthday ng baba­eng nililigawan ko, August 12, 1992, October 6, 1991 at December 12, 1992, samantalang, September 16, 1992 naman ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Wala sa tatlong babaeng sinasabi mo ang magiging permanente mong girlfriend, ibig sabihin, wala kang ma­pasasagot sa tatlong babaeng nililigawan mo ngayon dahil hindi mo sila mga ka-compatible sa birth date at zodiac sign. Ganito rin ang nais sabihin ng pangit, may bilog at putol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa simula hanggang gitnang bahagi sa kaliwa at kanan mong palad. Pero, kapansin-pansin na naayos at gumanda naman ang dating pangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow b.).

  2. Ibig sabihin, hindi ngayon lulutang ang babaeng hini­hintay mong magiging permanente at totohanang girlfriend, sa halip, mararanasan mo ito sa edad mong 27 hanggang 28. Ang pag-aanalisang ito ay pinatunayan ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) na luminya ng lagpas sa kalagitnaang bahagi sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Kaya nga, tulad ng nasabi na, ang mas magandang gawin mo ngayon ay mag-ipon ka nang mag-ipon ng ma­raming pera sapagkat sa susunod na taon, kusa ng darating ang babaeng magiging girlfriend mo at makakasama mo, habambuhay. Darating siya sa pagkakataon at lugar na sadyang hindi mo inaasahan. Sa panahong ‘yun ay magkaka-girlfriend ka na at mas okay sa alright kung marami kang budget upang lalong maging masaya at mapanatili mong panghabambuhay na ang susuungin mong pakikipagrelasyon.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Ruel, mas makabubuting itigil mo na ang panliligaw mo sa tatlong babaeng bina­banggit mo dahil malaki ang posibilidad na maba-busted ka na naman.

  2. Sa halip, hintayin mong tumuntong ka sa edad na 27, matapos ang birthday mo sa Setyembre, makikita mo sa pana­hong tinuran, kusa ng darating ang baba­eng isinilang sa zodiac sign na Taurus na may mga birth date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22 o kaya ay 31 kung saan magiging girlfriend mo siya at pagkatapos ay siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa at ma­kakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya sa taong 2021, sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page