Laborer na rapist tiklo
Pabs Hernandez III
Mar 9, 2019
1 min read
BATANGAS—Isang laborer na rapist ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Dagatan, Lipa City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Nomer Mendoza, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Mendoza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Kusang namang sumama sa pulisya si Mendoza nang arestuhin ito sa naturang barangay.





Comments