top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Guilty sa ‘cover-up’ sa sexual abuse | FRENCH CARDINAL, NAGBITIW SA PUWESTO

  • Jersey Sanchez
  • Mar 9, 2019
  • 1 min read

NAGBITIW sa puwesto si Cardinal Philippe Barbarin ng Lyon, France matapos mapatunayang guilty sa cover-up sa mga pang-aabusong seksuwal.

Nabigong magbigay ng ulat si Barbarin mula Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2015 tungkol sa mga nangyayaring sexual abuse ng paring si Bernard Preynat dahilan para patawan ito ng anim na buwang suspended prison sentence.

Ayon kay Vincent Neymon, deputy secretary-general ng Bishop’s Conference of France (BCF), maghahain ng resignation si Cardinal Barbarin sa Santo Papa.

Gayunman, ayon sa abogado ng kardinal, hindi sila kumbinsido sa rason ng korte kaya iaapela nila ang nasabing ruling.

Ang isyu kay Barbarin ay kasunod nang hatol kay George Pell sa Australia at pagsibak sa isa pang kardinal sa Amerika.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page