Most wanted utas sa shootout
MISAMIS OCCIDENTAL—Isang most wanted criminal ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Sta. Maria, Tangub City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jovenji Alferez, umano’y sangkot sa mga holdapan at pagbebenta ng shabu sa Misamis Occidental, Cagayan de Oro City, Cebu at Cavite.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Alferez, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments