Kelot timbog sa 2 boga
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang lalaki ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng dalawang baril, kamakalawa sa Bgy. Marangan, Dumingag sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Rogelio Burlasa, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng isang alyas Pepito na umano ay hired killer at dito dinakip si Burlasa nang makumpiskahan ng dalawang baril at mga bala.
Patuloy pang pinaghahanap ng pulisya si “Pepito”, samantalang, sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa election gun ban si Burlasa.





Comments