top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | MARSO 8, 2019 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 8, 2019 (Biyernes): Malala­king suwerte ang nasa sa iyo, kaya iwasan mong ma­punta ito sa iba. Una­hin mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka sa malalaki. Kaya ang ambis­yon mo ay dapat malaki rin. Ang mga gusto mong ma­liliit na bagay ay kabigu­an lang ang hatid sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-20-21-24-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi ka nanini­wala, hu­barin mo ang iyong sapin sa mga paa at lumakad ka sa loob ng inyong bahay dahil ito mis­mo ang pampasu­werte mo. Gawin mo ito at da­pat ngayon na! Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-26-38-39-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong katakutan ang malala­king pag­­subok sa iyong harapan. Sugurin mo ito at iyong sagasaan. Magugulat ka dahil ito pala ang pagsu­bok na walang kahirap-hirap. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-13-23-25-34-46.

CANCER (June 21- July 22) - Sukatin mo ang mag­pa­pakita sa iyo ng pagtingin. Huwag mong kalilimutan na kaya ka nasasaktan ay dahil ma­bilis na nahuhulog ang iyong loob sa taong nagpa­pa­kita ng espesyal na pag­tingin sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-25-26-35-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­pansin mo ba na tinatalo na ng init ang la­mig? Isa itong senyales na ang kapalaran mo ay gaganda na at ang mga gusto mong mangyari sa iyong buhay ay magkaka­roon na ng katuparan. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-3-12-28-30-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang tiwala mo sa iyong sarili. Hin­di dapat ito magpa­tu­loy, kaya balikan mo ang nakaraan kung kailan na­­kagawa ka ng nakama­mangha at magagandang mga bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-6-11-16-18-20-21.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hamunin mo ngayon ang iyong sarili. Ang akala mong hindi mo kakayanin ay mapasa­sa­iyo. Ito ay isa sa mga tag­lay na kapangyarihan ng tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-18-22-23-25-36-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusang natatanggal ang tali, kapag ma­luwag. Makikita mong ma­yayanig ang iyong paki­ki­pagrelasyon dahil ikaw ay sobrang luwag. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran ngayon. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-17-21-25-27-32-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansi­nin mo ang kala­ngitan na uma­aliwalas ngayon, ito ay sen­yales na umaaliwalas na rin ang iyong kapala­ran at ang mga pangarap mo ay nagkakaroon na ng linaw. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-24-26-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nawawala na parang bula ang mga ala­lahanin ng mga tao kapag ang panahon ay guma­gan­da. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-21-26-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ma­sama ang mag­tanong, ang ma­sama ay ang nagku­kun­­wa­ring marunong. Humingi ka ng payo at gabay sa mga taong nagtagumpay na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-15-26-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Napakarami mong gustong puntahan. Ma­gagawa mo kaya ang la­hat ng ito? Ang sagot ay oo dahil ngayon ang pana­hon para sa pamamasyal. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-21-28-30-31-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page