Trump nanuhol daw | REPUBLICAN LEADERS: ‘DI NA DAPAT IMBESTIGAHAN
WALANG rason para imbestigahan ang umano’y panunuhol ni US President Donald Trump sa sinasabing nakarelasyon nito.
Ito ang pinaniniwalaan ng mga Republican leader sa US Senate.
Unang nadiin si Trump sa diumano’y pagbabayad nito sa ilang kababaihan para manahimik noong 2016 Presidential Elections.
Ayon kay Sen. Ron Johnson, nais nitong hintayin ang imbestigasyon na pinangungunahan ni Special Counsel Robert Mueller.
Gayunman, sa pahayag ni Sen. Lindsey Graham, sinabihan nito ang pangulo na makinig sa kanyang mga abogado tungkol sa pagsunod sa request ng Democrats.
Samantala, bumanat si Trump sa Democrats at tinawag itong “stone cold crazy”, gayundin, giit pa ng pangulo, maituturing umano itong ‘greatest overreach’ sa kasaysayan ng bansa.
Matatandaang, iniimbestigahan ng Democrats sa US House ang umano’y impeachable offenses ni Trump tulad ng obstruction of justice at pang-aabuso sa kapangyarihan.





Comments