REAL GOLD VERSUS TOY FOR THE BIGBOY SA WTA

MAHIGPIT na maglalaban ang mga kalahok sa paghataw ng Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Sa panimula ng laban sa Race 1, kung saan umpisa ang mahigpit na maglalaban-laban ang mga kalahok sa pagtikada ng “Additional One Win in Group Races “ sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ngayong gabi.
Sa panimula nang Winner-Take-All (WTA) sa Race 1,asahan na maglalaban-laban ang 10 kabayo at pinapaboran ang couple entry na White Chocalate at Tonador Sprinter, Jacobo’s Magic at Play It Safe. Nakalalamang pa rin ang Manila Boy sa pagtikada nang Race 2 at magsisilbing kalaban ang Tenseventeen, Storm Apo at Reigning Jewel, kasabay ng pagsisimula ng Pick 6 event.
Sa race 3, maglalaban ang Anika’s Will at Princess Alessi kasama ang Sky Rocketing sa pagsisimula ng Pick 5 event. Walang tulak kabigin sa mga kalahok na Real Gold ng C & H Ent. at Toy For The Bigboy ng A R. Santos stable sa Race 4 na simula ng Pick 4.
Magsisilbing parating ang siyam na kabayo na tatakbo sa Race 5 na posibleng pagwagian ng dehadong kalahok gaya ng Breaking News, Entry No.2, Sikat, Since When at Entry No.8. Balikatan ang laban sa Race 6 na paglalabanan ng 9 na kabayo at pinapaboran ang Blowby at ang Couple entry na You Are The One at Double Rock, isama sa listahan ang Couple na I LoveHenry at Plus.
Paglalabanan naman ng kalahok na Gold Sunrise at My Fave sa Race 7 na magsisilbing parating sa WTA, Pick 6 at Pick 5.Tip ni Mang Ding Race 1-Entry No.2 Con Todo Mujer (8): Race 2-Manila Boy (2) Reigning Jewel (2)
Race 3- Anika’s Will (1) Princess Alessi (4) Race 4-Toy For the Bigboy (4) Real Gold (3) Race 5- Breaking News (2) Entry No.3 Race 6-Blowby (5) entry No.2 Entry No.3 Race 7- Gold Sunrise (9) My Fave (11).





Comments