top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

HOROSCOPE | MARSO 7, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 7, 2019 (Huwebes): Taglay mo ang mayamang imahinasyon. Walang dahilan para hindi ka yumaman. Ang numero-unong katangian ng mga taong yumaman ay ang kanilang malikhaing kaisipan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maraming magagandang ideya ang maglalabas-masok sa isip mo. Sapat ito para mapaunlad mo pa nang todo ang kabuhayan mo. Kaya gamitin mo ito, kumbaga, samahan mo ng mga pagkilos. Masuwerteng kulay-violet.Tips sa lotto-2-3-18-24-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong talunin ka ng tamang-hinala dahil ito ang sumisira sa relasyon at maging sa mismong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-9-11-17-28-31.

GEMINI (May 21- June 20) - Sisingit sa isip mo ang pagpunta sa malayo o sa magagandang pasyalan. Bago mo ito gawin, planuhin mo muna dahil kapag wala kang plano, mawawalan ng saysay ang kagandahan ng lugar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-19-20-24-25-36.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi maganda sa tao ang mapagsumbat dahil ang nakikita niya ay ang kanyang mga ibinigay at ang pagkukulang ng kanyang kapwa. Iwasan mo ito nang sa gayun ay hindi pumangit ang iyong araw. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-21-30-31-38-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Totoong nakahihigit ka sa mga nasa paligid mo, pero ilagay mo sa iyong isipan na ang ilang katotohanan ay hindi dapat sabihin sa iyong kapwa. Kaya huwag na huwag kang magyayabang. Masuwerteng kulay-white.Tips sa lotto-8-10-13-18-27-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakapagtataka ang buhay sa mundo dahil tulad ngayon, ang maliliit ang nakikita at ang mga ito ay ang pagkakamali ng kapwa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-25-32-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namumulaklak na ang mga punongkahoy. Isa kang punongkahoy ngayong araw na ito kung saan sobra kang nakagagayuma, lalo na sa mga taong malungkot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-28-30-36-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong buksan ang nakasara na. Ito ay ang mga kinalimutan mong mga kasalanan ng tao na nagawa niya sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-14-16-27-30-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ililigaw ka ng mga ideyang magmumula sa iba na sa biglang tingin ay maganda. Sa lumang kasaysayan, ito ang magagandang babae na sumisira sa diskarte ng bida. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-24-29-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo na gawin ang magandang ideya na noon pa man ay naglalaro na sa iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-23-38-40-45-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong kaligtaan na mag-alay ng bulaklak sa inyong altar. Gawin mo ito nang sa gayun ay madagdagan pa ang mga suwerteng nagdaratingan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-23-31-32-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling nagbabalikan ang mga araw na kung kailan ka masuwerte. Ikagugulat ito ng mga taong hindi naniniwala sa iyo o ng mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-27-39-40-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page