Ayon sa mga eksperto... PAG-INOM NG TUBIG MATAPOS MAG-EHERSISYO, SANHI NG PULIKAT!


IMPORTANTE talaga ang pag-inom ng tubig sa tuwing tayo ay pinagpapawisan dahil ayon sa mga eksperto, kung hindi tayo iinom ng tubig ay maaari tayong ma-dehydrate.
Pero, knows ba ninyo na ang pag-inom ng tubig matapos mag-ehersisyo ay sanhi umano sa pagkakaroon ng pulikat? Hala!
Ayon sa mga siyentipiko, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pulikat ang mga atleta o ‘yung mga taong mahihilig sa mga pisikal na aktibidad ay ang hindi pagkonsumo ng maraming electrolytes na dehins makukuha sa pag-inom ng tubig.
Sa pag-aaral ng mga Australian researcher mula sa Edith Cowan University sa Perth, natuklasan nila na ang 10 kalalakihan na tumakbo sa treadmill sa loob ng mainit na kuwarto ay nakapagbabawas ng 2 porsiyento ng kanilang timbang.
Pagkatapos nito, ang kalahati sa mga kalahok ay binigyan ng tubig at ang iba naman ay binigyan ng sports drinks with electrolytes.
Dagdag pa rito, matapos ang isang linggong eksperimento ay natuklasan nilang ang mga uminom ng tubig ay mas nakaranas ng pulikat dahil wala itong electrolytes.
Gayunman, ayon kay Propesor Ken Nosaka, nagkaroon na ng maraming teoriya kung saan iminungkahi kung ano ang nagiging sanhi ng cramps.
Ngunit, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinakita na ang kakulangan ng electrolytes ay ang pangunahing sanhi nito.
Samantala, ang pag-aaral ay nai-published sa Journal BMJ Open Sport & Exercise Medicine.
Maliban pa rito, alam nating lahat na karamihan sa atin ay kinahiligan na talaga ang paglalaro ng iba’t ibang klase ng sports tulad ng basketball, volleyball, badminton, football, soccer at marami pang iba, kaya sa mga propesyunal na atleta at feeling atleta riyan, alam n’yo na, ha?
Gayundin, ang payo ng mga eksperto, kung dehins kering hindi uminom ng tubig, make sure na hindi ito lalaklakin nang sa gayun ay hindi maka-trigger ng iba’t ibang klase ng sakit.
Ibig sabihin, kung nauuhaw tayo, mainam kung sisipsip lamang tayo at hindi natin bibiglain ang ating sikmura para maka-in take nito.
Kaya, mga beshy, ngayong alam na ninyo na ito ay maaaring maging sanhi ng pulikat, make sure na iiwasan at susundin ninyo ang mga payo ng mga dalubhasa.
Gets n’yo?





Comments