Action star na raw siya ngayon… SIGAW NI CRISTINE: DI KO KAILANGANG MAGHUBAD PARA PANOORIN
- BULGAR

- Mar 7, 2019
- 2 min read

AFTER Abay Babes, nagbabalik muli si Cristine Reyes sa big screen, but this time ay sa action film naman, sa Maria kung saan ay ginagampanan niya ang papel na assassin sa ilalim ng direksiyon ni Pedring A. Lopez.
Sa presscon kahapon para sa naturang pelikula ay natanong si Cristine kung kakabugin ba niya si Anne Curtis sa Buybust.
Ayon kay Cristine, iisa ang fight director nila ni Anne na si Sonny Sison kaya kung ano raw ang mga itinuro nito sa aktres ay siya ring itinuro sa kanya.
May pagkakaiba nga lang daw ng style since ang role nga niya rito ay assassin.
When asked kung ibinuhos ba niya ang lahat ng galit niya sa pelikulang ito, sagot ng aktres na new look ngayon because of her red hair, “You know what, honestly, ‘pag nagtatrabaho ako, I’m really serious with work. Now that I’m a mother, I value my work more. So, kung ano ang hinihingi sa akin ng direktor, ang hinihingi sa akin ng writer, pinag-aaralan ko at kapag hindi ko siya nakuha, uulit ako. Ayokong nagpapabaya.”
Of course, ang gustong tumbukin naman talaga sa kanya ay kung ibinuhos ba niya ang galit sa asawang si Ali Khatibi sa pelikulang ito since ang balita nga ay hiwalay na sila. Pero hindi ito pinatulan ng aktres.
Halata ring umiiwas si Cristine na mapag-usapan si Ali at talagang no mention ng pangalan nito. Basta ang lagi lang niyang binabanggit ay ang anak nilang si Amara.
Natanong din si Cristine kung may mga sexy scenes siya rito tulad sa mga nakaraang pelikula niya at ayon sa aktres, siguro naman ay hindi raw niya kailangang magpa-sexy pa para tangkilikin ang pelikula.
“Well, honestly, wala kaming kahit ano’ng sexy scenes dito but I guess, I can say naman na hindi ko kailangang magpa-sexy para tangkilikin ‘yung project. Kasi ‘yung buong pelikula ‘yung dapat na tingnan.
“And at the same time, I’m sexy, so, ano’ng kailangang gawin?” sey ni Cristine with a laugh.





Comments