Wanted na rapist nasakote
Pabs Hernandez III
Mar 6, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa San Carlos City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jackson Garcia, residente ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Garcia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Kusa namang sumama sa mga awtoridad si Garcia at itinanggi ang akusasyong ginahasa niya ang biktima.





Comments