Walang kahilig-hilig, Mommy Divine… MATTEO, 16 ANG GUSTONG MAGING ANAK KAY SARAH
- BULGAR

- Mar 6, 2019
- 1 min read

KAALIW ang video na lumutang sa internet kung saan ay tinatanong sina Matteo Guidicelli at Erwan Heussaff kung ilan ang gusto nilang anak.
Ang sagot ni Matteo ay 16, habang si Erwan, 24 naman ang gusto.
Naroroon din si Sarah Geronimo na GF ni Matteo at si Anne Curtis na wife naman ni Erwan kaya nahingan sila ng reaksiyon.
Natawa na lang pareho sina Sarah at Anne.
Nakakatuwa na talagang ang pagbuo na ng pamilya ang naitatanong ngayon kina Matteo at Sarah. Ang tingin nga sa kanila ng iba ay parang mag-asawa na at kulang na lang ay kasal.
Ang dami nga ring nag-i-speculate na engaged na ang dalawa at ayaw pa lang sabihin. Iba na rin talaga ang kilos nila ngayon, hindi kilos ng simpleng magdyowa lang kundi parang ikakasal na talaga.





Comments