Pope Francis, pinabubuksan ang archives noong WWII | JEWS AT EXPERTS, APRUB
- Jersey Sanchez
- Mar 6, 2019
- 1 min read
NAKATANGGAP ng papuri si Pope Francis kaugnay sa desisyon nitong pagbubukas ng archives noong World War II.
Gayunman, humihingi na sila ng access sa mga dokumentong ito na maaari umanong magamit sa mga international scholarly research na mahalaga sa Catholic-Jewish relations.
Ayon kay Rabbi David Rosen, internal director ng American Jewish Committee, ito ay upang malaman nila ang mga pagkakamali at pagsisikap na ginawa noong panahon kung saan naganap ang pagpatay ni Adolf Hitler sa halos anim na milyong Jews.
Samantala, inihayag ng United States Holocaust Memorial Museum sa Washington DC na matagal nang may “cooperative relationship” ang mga Vatican archivist noong bigyan ni Pope John Paul II ng access ang mga researcher sa mga koleksiyong may kinalaman sa Nazism sa Germany.
Samantala, bubuksan ang archives sa qualified researchers na magpapasa ng request para makita ang mga dokumento sa 2020.





Comments